Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CSC: Distor ‘di puwede sibakin sa NBI

0 49

Naisalba ng Civil Service Commission (CSC) security of tenure policy si dating National Bureau of Investigation (NBI) officer-in-charge Eric B. Distor at hindi ito maaaring sibakin pero ibababa ang posisyon.

Ang pinalitang si Distor base sa CSC ruling ay babalik sa dati nitong posisyong assistant director, gayunman ang kanyang assignment ay nakasalalay pa rin sa bagong NBI Director Medardo G. De Lemos.

Sa nakalap ng Politiko online news na dokumentong pinir­mahan ni NBI Human Resource Management Services Acting Assistant Director Rachel Angeles, simula noong Hulyo 27 ay may ibabago ng posisyon si Distor.

Samantala nang hingan ng komento si Distor kaugnay sa pananatili nito sa NBI ay sinabi nitong susunod siya sa desisyon ng bagong hepe.

“I will obey Sir De Lemos order of my assignment,” ani Distor.

Itinalaga ni Justice Secretary Crispin ‘Boying’ Remulla si De Lemos sa NBI base sa inilabas na memorandum nakaraang linggo.

Ang posisyon ni Distor ay naging isyu matapos ideklara ni Remulla na bakante ang Senior Deputy Director na posisyon para sa dating NBI top official.
Maging si DOJ undersecretary Atty. Paul T. Vasquez ay naglabas ng opinyon sa status ni Distor sa isang press briefing.

“He (Distor) cannot be removed from the bureau because he is a permanent employee as assistant director, however his assignment will be up to the discretion of the new NBI director De Lemos,” ani Vasquez. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.