Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CTA binasura hirit ng FEU na P186M tax refund

0 87

Ibinasura ng Court of Tax Appeals (CTA) ang petisyon ng Far Eastern University (FEU) ng mga Montinola para sa P183.6 milyong tax refund na kinubra dito ng Manila City Hall, base sa desisyong isinulat ni Associate Justice Juanito Castañeda Jr.

Piniga ng Manila City Hall ang FEU ng P189.9 milyon para sa local business tax mula 2009 hanggang 2013. Hindi binigyan ng sapat na panahon ng Manila City Hall ang FEU na in-assess dito noong 2015.

Binayaran ng FEU ang buwis “in protest” at nagkasuhan ang dalawa.

Sa desisyon ni Castañeda, sinabi niyang lumampas na ang panahon para habulin ng Manila City hall ang mga buwis na hinabol para sa 2009 at 2010 ngunit kinilala niya ang karapatang maningil ng buwis ng Maynila para sa tuition at educational fees. Sinabi rin ni Castaneda na walang tax exemption ang FEU. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.