Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cuarto naagaw IBF korona

0 88

BIGONG madepensahan ni Filipino boxer Rene Mark Cuarto ang kanyang IBF world minimumweight title matapos maolats kontra Daniel Valladares via split decision nitong Sabado sa Mexico.

Ang opisyal na scorecard ay 116-111 at 115-112 pabor kay Daniel, at 114-113 para kay Cuarto.

Sa kabuuan ay nakuha na ni Rene ang ikatlo nitong talo sa career na may 20 panalo at 2 tabla, samantalang si Valladares ay may 26-3-1 kartada.

Naging agresibo ang Pinoy sa unang round nang makakonekta agad sa mga pinkawalang suntok sa ulo at sa katawan ni Valladares, pero naging fominante ang 27-anyos na Mexicano sa round 5 patungong endgame. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.