Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cuba binakunahan na ang mga bata

0 336

Sinimulan na sa Cuba ang pagbakuna sa mga menor de edad na hanggang 2-anyos upang mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19.

Pinakaunang bansa ang Cuba na nagsagawa ng pagbabakuna sa mga menor de edad.

Hindi mandatory ang pagbakuna kontra COVID sa mga bata subalit maraming magulang at mga bata ang pumipila sa mga clinic at ospital gayundin sa mga paaralan na pansamantalang ginawang vaccination center.

SM food to go Banner Ad

Target umano ng pamahalaan ng Cuba na mabakunahan ang 90% ng kanilang populasyon hanggang kalagitnaan ng Nobyembre ngayong taon.

Nabatid na tatlong bakuna na gawa sa Cuba ang binigyan ng emergency use authorization para gamitin sa vaccination program nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.