Abante Tonite Interactive

Cuban tumalak sa Twitter

616

Tumukod ang Dallas Mave­ricks sa Atlanta Hawks 111-107 Sabado ng gabi, pagkatapos ng laro ay pinagdiskitahan ni Mark Cuban ang mga official.

May 8.4 second pa sa laro at abante ng dalawa ang Atlanta, binutata ni Dorian Finney-Smith si Trae Young. Pumito ang official, tinawagan ang play ng goaltending. Kasabay nito ay hinablot ni John Collins ang bola at umiskor.

Pagkatapos ng review, dinesisyunan na malinis ang block at hindi goaltend. Kaya lang, nasa shooting motion si Collins pagtunog ng pito.

Binaligtad ng mga official ang goaltending call, pero counted ang basket ni Collins na nagbigay sa Hawks ng four-point lead na nagselyo sa panalo.

“The ball was blocked and reviewed. The ball hit the rim, so it was deemed an inadvertent whistle because it was ruled a good block,” paliwanag ni crew chief Rodney Mott. “By rule, it’s and inadvertent whistle. It’s Rule 2. Because he (Collins) was in his shooting motion when my whistle blew, it’s deemed a continua­tion, so therefore, the basket counts.”

Nalito si Dallas coach Rick Carlisle sa tawag, hindi maintindihan kung bakit counted ang basket ni Collins.

Sa Twitter bumusa si Cuban, tinawag na ‘absurd’ ang officiating.

“So they call a goaltend. They literally blew the whistle that it was a goaltend. There was a putback after the whistle. After review they said no goaltend but count the basket? WTF is that? That’s NBA officiating,” anang Mavs owner.

Mahaba at sunod-sunod pa ang kanyang litanya.

“But wait there is more. 1 of the refs told us it was an inadvertent whistle, so it was not goaltending. Doesn’t matter that people stopped. They thought the whistle came after the putback. So the basket counted. So what were they reviewing if it wasn’t a goaltend?” (Vladi Eduarte)