Abante Tonite Interactive

Cunanan, Relampagos absuwelto sa pork scam

By
155

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan sina dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Mario Relampagos at dating Technology Resource Center (TRC) Director Dennis Cunanan sa mga kasong may kaugnayan sa pork barrel scam.

Sa resolusyon noong Enero 18, inabsuwelto ng 1st Division ng Sandiganbayan sina Relampagos at Cunanan sa kaso ng mga ito na may koneksyon sa pag-apruba umano ng Special Allotment Release Order para mailabas ang P20 milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula para sa TRC.

Pinaboran ng anti-graft court ang inihaing petisyon nina Relampagos at Cunanan noong 2018 para ibasura ang mga nakasampang kaso laban sa kanila dahil sa kabiguan ng prosekusyon na makapaghain ng sapat na ebidensiya.