Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curfew hindi na kailangan – MMDA

0 54

Hindi na kailangang magpatupad ng curfew sa National Capital Region dahil disiplinado na ang mga residente rito ngayong nasa ilalim ng alert level 3, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos sa isang panayam.

Ipinakita pa ni Abalos ang mga larawan mula sa iba’t ibang mall at mga lugar sa Metro Manila na kinuhanan aniya noong Biyernes na halos kakaunti ang tao at tahimik.

Natuto na aniya ang mga tao na mag-self regulate at hindi na kailangang pagsabihan na huwag nang lumabas sa kanilang mga tahanan.

Nilinaw naman ni Abalos na bahala ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila kung nais nilang magpatupad ng curfew para sa mga menor de edad. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.