Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curfew hour iksian o alisin para sa negosyo – DTI

0 82

Kung ang Department of Trade and Industry (DTI) ang tatanungin, mas nais nitong iksian o tuluyang alisin na lamang ang pinatutupad na curfew sa Metro Manila para mas matagal ang oras na makapag-operate ang mga negosyo.

Inihayag ito ni DTI Undersecretary Ruth Castelo nang makapanayam sa telebisyon kasunod ng pahayag kamakailan lamang ni Secretary Ramon Lopez na pabor luwagan pa ang community quarantine sa National Capital Region basta’t sumunod lamang ang mga tao sa safety protocol para iwas hawa sa COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Castelo, kahit ano pa man ang quarantine status sana madagdagan umano ang oras para makapag-operate ang mga negosyo.

Aniya pa, kung puwedeng iklian o alisin na lamang ang curfew ay pabor umano sa mga negosyo ang mahalaga ay magkaroon lang ng disiplina bawat tao para iwas sa COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.