Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curfew, liquor ban sa Davao pinalawig

0 67

EXTENDED ang 24-hour liquor ban at curfew sa Davao City hanggang sa katapusan ng buwan, bilang bahagi sa istriktong pamamaraan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa lugar.

Pinirmahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang Executive Order No. 55-B na nagpapataw ng guidelines sa extension ng 9 pm – 4am curfew. Isa pang kautusan ang EO No. 59, ay para sa reimposed 24-hour liquor ban.

Noong November 2, muling nagpatupad si Duterte ng 24-hour liquor ban “to prevent the people’s exposure to COVID-19 during unbridled drinking sessions.”

Ang curfew ay binuhay din sa Davao City nang bumalik ito sa general community quarantine noong Nov. 20.

Noong December, ang Davao City ang isa sa mga may pinakamataas na bilang ng mga may COVID-19 cases.

Nagbabala naman si Duterte sa mga restaurant, sari-sari store at ibang establisimiyento na magpapatupad ng “one-strike rule.”

Regulated din ang mass gatherings at ipinagbawal ang non-essential travel sa siyudad hanggang June 30, 2021. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.