Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curfew paiikliin para sa Simbang Gabi

0 138

Minungkahi ng mga alkalde ng National Capital Region (NCR) sa pambansang gobyerno na iklian ang curfew hours para makadalo sa Simbang Gabi sa susunod na buwan.

“Ngayon po, meron po tayong uniform na curfew na 12 midnight until 4:00 (ng umaga). Pero mag-a-adjust rin po ang buong Metro Manila from 12 (midnight) to 3:00 in the morning para po bigyan po natin ng daan ‘yung Simbang Gabi,” ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa isang panayam.

Christmas party sa opisina bawal

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi naman pahihintulutan sa Metro Manila ang pagsasagawa ng caroling at Christmas party sa mga tanggapan.

“Yung pong atin pong pagsu-suspend ng atin mga caroling, hindi po papayagan po yung caroling at ‘yun pong ating Christmas party sa lahat po ng ating public offices,” wika ni Olivarez.

“Do’n po sa ating mga private offices, dini-discourage po natin ang Christmas party natin. Mananatili pong 10 persons per gathering,” aniya pa. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.