Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curfew pasaway dedbol sa push-up

0 249

Humihingi ng hustisya ang mga kaanak ng isang lalaking namatay dahil umano sa parusang inabot nito matapos mahuli sa kasong curfew sa Gen. Trias City, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Darren Manaog, nasa hustong gulang, ng Tejero, Malabon, Gen. Trias City, Cavite.

Sa Facebook account ng isa sa pamilya ng biktima, Huwebes ng gabi nang arestuhin si Darren dahil sa paglabag sa curfew.

Ikinatuwiran ng pamilya ng biktima na may dahilan naman ang paglabas nito dahil bibili ito ng mineral water para sa kanyang pamilya.

Matapos umanong hulihin ay dinala ang biktima sa Gen. Trias City, Malabon Police Station kasama ang iba pang mga nahuli at bilang parusa sa kanila ay kinakailangang mag-pumping ng 100 beses.

SM food to go Banner Ad

Umabot umano ng 300 bilang ang ginawang pagpu-push up ng biktima at pinalipas ang magdamag bago sila pinauwi.

Subalit ayon umano sa mga pulis dito, kailangang sabay-sabay ang pag-pumping kaya nakailang ulit umano ang mga ito.

Nabatid na alas-otso na kinaumagahan nang nakauwi si Manaog na halos hindi na makalakad at iniinda ang hirap.

Bago nagpahinga ang biktima ay naikuwento umano niya sa kanyang mga kamag-anak na ilang beses siyang natumba habang nagpu-push up subalit hindi umano siya pinagpapahinga.

Sabado ng madaling-araw nang kinumbulsyon at nanigas ang biktima subalit naagapan umano siya hanggang sa naulit ang kanyang paninigas dahilan upang itakbo sa ospital kung saan na-comatose ito at pagkalipas ng ilang oras ay binawian na ng buhay.

Tinangkang kunin ang pahayag ng pulisya hinggil dito subalit walang ma-contact. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.