Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curfew pasaway na pinag-pumping squat, sa stroke namatay

0 390

Stroke o kondisyon sa puso ang lumalabas na ikinamatay ng curfew violator na sinasabing nasawi matapos parusahan ng 300 pumping squat.

Sa report batay na rin sa resulta ng death certificate, sinabi ng live-in partner ng biktimang si Darren Peñaredondo, 28, na si Reichelyn Balce na “cerebrovascular infarct midbrain” ang lumabas na sanhi ng pagkamatay ng lalaki.

Dagdag niya, na ang antecedent cause of death ay “hypertensive cardiovascular disease”.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa ulat, bibili lang sana ng tubig si Peñaredondo sa General Trias, Cavite pero inaresto siya dahil sa paglabag sa curfew noong Abril 1.

Dinala siya sa Municipal Hall of Malabon sa General Trias kung saan umano pinuwersang mag-ehersisyo ng 300 beses.

Inumaga na umano ng uwi si Peñaredondo, at makalipas ang ilang oras ay kinombulsyon, nahimatay at nasawi kalaunan.

Sabi ni Balce, ang pinarusahang biktima ay dumaranas ng sakit sa puso. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.