Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curfew sa Caloocan pinaikli

0 45

Dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng CO­VID-19 sa National Capital Region (NCR), mas maiksi na ang curfew hours sa Caloocan City.

Sa ipinalabas na Executive Order No. 066-21 na nilagdaan ni Mayor Oscar Malapitan, epektibo ngayong araw ang curfew na mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw. Mula ito sa dating alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.

Ayon sa alkalde, makakatulong ito para sa pagbangon ng ekonomiya ng lungsod dahil madadagdagan ang operating hours ng mga establisimiyento na nag-o-operate sa gabi.

Ilan lamang sa mga natuwa sa bagong oras ng curfew sa Caloocan ang mga mall at grocery store dahil mas late na silang puwedeng magsara. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.