Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curfew, swab test inobliga sa Pampanga

0 477

KUNG planong magtungo sa Pampanga ngayong Semana Santa, inanunsyo ni Pampanga Governor Dennis Pineda na kailangan na may RT-PCR test na nagsasabing negatibo sa COVID-19 ang gustong magtungo sa kanilang lalawigan.

Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19, pinirmahan ng gobernadora ang Executive Order No. 5-2021 para masiguro ang kaligtasan ng mga Kapampangan kontra COVID-19.

Dapat hindi hihigit sa 72 oras ang RT-PCR test na nagpapakita ng negative result.

SM food to go Banner Ad

Istrikto ring ipatutupad ang liquor ban at curfew – 10PM hanggang 5AM sa lalawigan mula Marso 20 hanggang Abril 5.

Stay at home muna ang edad 18 pababa at mahigit 60-anyos, buntis at may kondisyon sa kalusugan maliban kung kinakailangan para sa emergency. (IS/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.