Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry bet NBA kesa Olympics

0 186

Kung makakarating hanggang NBA Finals sa susunod na season ang Golden State, mas malamang na kalimutan muna ni Stephen Curry ang Olympics debut.

Sa report ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, July 8-22 ang Finals ng 2020-21 season. July 23 naman ang start ng postponed na 2020 Olympics sa Tokyo.

Sa tentative schedule, opening night ng 2020-21 NBA season sa Dec. 22, All-Star Break sa March 5-10 pero walang All-Star Game.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matatapos ang regular season ng May 16, play-in tournament para sa 7-to-10 seeds sa May 17-21. May 22 ang siklab ng first-round playoffs, June 7 ang Conference semifinals at June 22 ang Conference finals.

Kahit sa June 22 start ng conference finals, isang buwan na lang ang timetable ng players na napa-exit sa conference finals para maka-recover bago ang Olympics.

Siniksik sa 72-game schedule ang season, masasagad na si Curry at teammates kung aabot hanggang dulo ng playoffs ang Warriors. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.