Abante Tonite Interactive

Curry bibisita ulit sa ‘Pinas

By
488

Sa ikalawang pagkakataon, bibisita sa bansa si Golden State Warriors superstar Stephen Curry.

Noong September 2015 unang dumating si Curry sa bansa pagkatapos ng unang NBA championship niya sa Warriors.

Sa Sept. 7 ang iskedyul ng dating ng three-time NBA champion, bahagi ang Manila ng kanyang three-nation Asian tour kasama ng clothing sponsor niyang Under Armour.

“Finally, the wait is over. 3x NBA champ, 2x MVP, the one and only Stephen Curry is coming to Manila, Philippines on 7 Sep!” post ng Under Armour Asia sa kanilang Facebook page.

Wala pang kinukumpirmang venue ang sports apparel, pero mamimigay daw sila ng da­lawang lower box ­tickets kapag bumili ng Curry 5 o Curry 5 Tour Shoes sa underarmour.com.ph.

Nakaiskedyul din si Curry na bumisita sa Wuhan, China at sa Tokyo, Japan.