Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry binangko, Hornets lusot

0 37

Nakapag-warm up pa si Stephen Curry, pero pagdating sa laro ay ini-scratch sa lineup ng Golden State sa Charlotte.

Nagbayad ang Warriors.

Pasok ang wala sa pormang jumper ni Terry Rozier sabay sa pagkaubos ng oras at tinakasan ng Hornets ang Warriors 102-100 sa 75th NBA 2020-21 regular season game sa North Carolina Sabado ng gabi.

Katiting na 9.3 seconds na lang sa laro, exit ang point-center ng Warriors na si Draymond Green dahil sa dalawang technicals mula sa pagereklamo sa resulta ng jump ball.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibinaon ni Rozier ang dalawang free throws mula sa T ni Green para ibuhol sa 100-100.

Pagkatapos ay kinuha niya ang inbounds pass sa midcourt, umatake sa sulok bago binitawan ang jumper. Sabay sa pagkahulog ng bola at tunog ng buzzer, dinumog ng mga kakampi si Rozier na tumapos ng 36 points – 20 sa fourth quarter tungo sa pang-apat na sunod na 30-point game.

Masama ang pakiramdam ni Curry pero nilinaw ng team na hindi COVID-19. Ang 25 points ni Kelly Oubre ang namuno sa Warriors. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.