Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry binaon ang Rockets

0 164

Nagliyab sa third quarter si Stephen Curry at sinagasaan ng Golden State ang Houston 113-87 sa 75th NBA regular season game sa Toyota Center sa Texas Sabado ng gabi.

Pakita rin sina Warriors reserves Jordan Poole at Mychal Mulder, nagsumite ng tig-17 points. Umayuda ng 20 points si Andrew Wiggins, may 9 points, 11 rebounds at 8 assists si Draymond Green.

Naka-30 minutes lang sa loob pero sulit. Nagsumite pa rin si Curry ng game-high 30 points at may 5 assists.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Palabas ni Curry ang third nang ariin ang 23 sa 39 points ng Warriors sa period. Stats ng two-time MVP sa third: 5 for 7 shooting sa 3s, 7 of 11 sa field, dito rin niya kinalawit lahat ng 6 rebounds.

Noong Huwebes, nagsalansan ng 50 points si Kevin Porter Jr., nagkasya siya sa 16 kontra Warriors.

Kinubra ng Golden State ang even 32-32 card para umangat sa No. 9 sa West. Lagpak ang biktima sa 6-48 (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.