Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry binura 3pt record ni Harden

0 225

Pasabog si Stephen Curry ng 37 points, dinagdagan ng halos triple-double ni Draymond Green at ipinagpag ng Golden State ang makulit na Sacramento 117-113 sa 75th NBA regular season game sa 400th meeting ng magkaribal sa Chase Center sa San Francisco Linggo ng gabi.

May seven 3-pointers si Curry para sa 85 sa buwan ng April na tumaklob sa 82 ni James Harden noong November 2019. Pero inari niya ang 7 sa 16 turnovers ng Warriors.

Tumapos si Green ng 8 points, 14 rebounds at 13 assists, may 19 points pa si Kelly Oubre off the bench. Bentahe ng Warriors ang all-time series 208-192.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa 31-30 card, nasa 10th spot sa Western Conference ang Golden State, 4 ½ games sa unahan ng Pelicans. Kumakapit ang Warriors sa huling silya sa play-in.

Naligtasan ng Warriors ang clutch performance ni Kings rookie Tyrese Haliburton, nilista ang 15 sa kanyang 24 points sa final period. Sumalampak ang Kings sa 24-36. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.