Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry ginarahe, Warriors wagi

0 45

Kahit ang superstars tulad ni Stephen Curry, kailangan ding mag-recharge.

Ipinahinga ng Golden State ang 33-year-old, 6-foot-2 All-Star point guard, umeksena sina Jordan Poole at Andrew Wiggins at sinalag ng Warriors ang late rally ng Detroit para ipreserba ang 105-102 panalo sa 2021-22 NBA regular season game sa Little Caesars Arena sa Michigan Biyernes ng gabi.

Ikinalat ni Poole sa first half ang 22 sa kanyang season-high 32 points, nagtistis si Wiggins ng 27 sa sampa ng kampo sa 14-2 win-loss slate at tinulak ang biktima sa 4-11

Abante ng 16 sa bukana ng fourth quarter ang Warriors, nangulit ang Pistons para manindak sa tatlo bago naubusan sa dulo nang sumablay ang 3-pointers nina Jerami Grant at Frank Jackson.

“I’ll be honest, that was the best feeling one I took all night,” ani Jackson sa panabla sanang bitaw. “I thought it was going in.”

Nanakit ang balakang ni Curry matapos ilista ang 20 sa kanyang 40 points sa 104-89 win sa Cleveland noong Huwebes.

Ginarahe rin ni Golden State coach Steve Kerr sina Draymond Green (bruised thigh), Otto Porter (foot) at Andre Iguodala (knee).

Nagsumite ng season-high 27 points si Jackson. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.