Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry ginaya si Chamberlain

0 109

Nagtistis ng 27 points si Jayson Tatum at naligtasan ng Boston ang matinding pasabog ni Stephen Curry nang kumpletuhin ng Celtics ang 111-107 panalo kontra Golden State sa 2021 NBA regular season game sa Chase Center sa San Francisco Martes ng gabi.

Pitong tres ang ipinasok ni Curry tungo sa 38 points para akbayan si Hall of Famer Wilt Chamberlain bilang tanging Warriors na nakaipon ng 17,000 points para sa prangkisa.

SM food to go Banner Ad

Nakapaglista na ngayong season si Curry ng league-leading 96 3-pointers, may kabuuang 17,011 points sa 12 seasons sa Golden State. Naka-anim na taon sa prangkisa si Chamberlain at nagtuhog ng 17,783 total pts.

Nagdagdag si Jaylen Brown ng 18 points at 10 rebounds sa Boston, may 19 at 7 si Kemba Walker sa akyat ng Boston sa 11-8 win-loss slate, tinabig ang Golden State sa 11-10. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.