Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry, Golden State ‘patay’ sa turnover

0 198

SA turnovers natapos ang season ni Stephen Curry at ng Golden State.

Nasa Chase Center pa ang Warriors pero sa harap ng 7,505 crowd ay hindi naipagtanggol ang home court.

Naubusan sa dalawang laro sa play-in ang Warriors. Unang tumiklop kay LeBron James at Lakers 103-100 bago tumukod kay Ja Morant at Memphis 117-112 sa overtime nitong Biyernes sa laglagan para sa 8th seed.

Usad sa playoffs si sophomore Morant, haharapin ang No. 1 Utah.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tumapos si Curry ng 39 points mula anim na 3-pointers, pero sa kanya ang pito sa 21 turnovers ng Golden State. Nag-deliver ng triple-double na 11 points, 16 rebounds at 10 assists pero may 6 miscues.

Makukumpleto na ng Warriors ang ahon mula 17-point down pero sa final shot ng regulation ay hindi man lang tumama sa bakal ang drive ni Green.

Kumana ng back-to-back jumpers si Morant sa final 48 seconds ng OT tungo sa 35 points.

Pasok ang go-ahead 3 ni Jordan Poole sa 1:50-mark ng extra period at inagaw ng Golden State ang lead, pero nakatsamba ng shot clock-beating 3 si Xavier Tillman sa kabila. Nawala kay Poole ang bola na nagresulta sa basket ni Morant, bago ang isa pang tres ni Pool 2 seconds na lang.

“There were some pivotal turnovers that bit us a little bit, but I think the intentions were right and w were trying to make thre right play, and sometimes it doesn’t go your way,” bulalas ni Curry. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.