Abante Tonite Interactive

Curry, Green, mga dyowa nag-foursome

0 366

Nag-double date sina Steph at Ayesha Curry maging ang magkasintahan na sina Draymond Green at Hazel Renee.

Hindi man nagkakasama sa ngayon sina Curry at Green sa paglalaro sa NBA ay hindi naman pinalampas ng magkakampi’t magkaibigan na magsama sa date sa kani-kanilang partner.

Nai-spotan ang dalawa, kasama ng kanilang asawa at fiancée, sa isang double date night sa Matsuhisa, Beverly Hills.

Kasama ni Curry ang asawa nitong si Ayesha habang kasama naman ni Green ang fiancée nitong si Hazel Renee.

Samantala, magandang senyales naman para sa mga Warriors fan ang pagsali ni Curry sa practice ng koponan kamakailan.

Matatandaan na nagtamo si Curry ng left hand injury noong Oktubre 2019 at kinailangan ng isang surgery.

Hindi naman pinalad manalo ang Warriors, na may 9-32 win-loss record, nitong Lunes (Manila time) kontra Memphis Grizzlies sa score na 102-122. (JAT)