Abante Tonite Interactive

Curry inalaska ang double step back ni Harden

By
202

Kahit ang two-time NBA MVP na si Stephen Curry, hindi mailusot ang tatak double stepback ni James Harden.

Sa naging NBA record-breaking night ng Golden State Warriors at Sacramento Kings kung saan nagwagi ang una, 127-123, sinubukan ni Curry na gawin ang ‘patented’ move ni Harden.

Sa kalagitnaan ng laro, lamang lang ang Warriors ng tatlo, 111-108, napasenyas ang crowd ng travel­ling sa balwarte ng Kings na sinang-ayunan naman ng mga referee matapos mag-double stepback three si Curry.

Nang matawagan sa penalty, nagreklamo pa si Curry sa refer­ee, nilabas ang 13 finger sign sa tapat ng jersey, ang numerong isinusuot ni Harden.

Matapos ang laro, nakapanayam si ­Curry ukol sa insidente at dito na inalaska nang todo ang reigning MVP na si Harden.
“I’ve seen that once or twice. Tried it myself. Obviously they got confused. They knew it was someone else, so they called it,” tugon ni Curry sa mga reporter.