Abante Tonite Interactive

Curry kabuntot ni Jordan — Iguodala

483

Walang duda, saludo si Andre Iguodala sa Golden State teammate niyang si Stephen Curry.

Pero para sa 2015 NBA Finals MVP, “second-best” all-time lang niya si Curry.

“I think he’s the second best ever,” pahayag ni Iggy kay Marcus Thompson II ng The Athletic. “I always thought that about him. I knew but other people didn’t know.”

Sino ang tops sa listahan ni Iguodala?

Mahalaga muna ay tumbukin ang sinabi ng veteran wingman.

Second best na ano?

Point guard, shooter, player? O second best Warrior ever?

Sa comments section, may humingi ng klaripikasyon: “Second best what?”

Sinagot ni Thompson: “Player. Behind (Michael) Jordan.”

Walang Kevin Durant at DeMarcus Cousins sa Western Conference finals, wala din sa Game 4 si Iguodala, kumayod si Curry ng 37 points, 12 rebounds at 11 asssists at winalis ng Golden State ang Portland Trail Blazers.

Triple-double, sa road, at bumiyahe sa fifth-straight NBA Finals ang Warriors.

“This is what he does,” dagdag ni Iguodala. “This who he is.” (VE)