Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry kakargahin ang Golden State

0 73

Kakargahin ni Stephen Curry ang Golden State Warriors ngayong out na buong season si Klay Thompson.

Hindi napakinabangan ng Warriors ang Splash Brothers nitong nagdaang season, November 2019 ay inoperahan sa braso si Curry. Nakabalik ng March bago sinuspinde ang season dahil sa pandemic at hindi na nakapasok sa restart sa Orlando bubble ang Golden State.

Sa Finals pa lang noong June 2019 ay nawala si Thompson (ACL), buong taon nag-rehab. Nakakabalik na siya sa court, inabot naman ng torn right Achilles sa isang pick-up game noong Nov. 18, draft day.

Ganu’n-ganu’n lang, sa isang maling tapak ay natapos ang comeback ni Thompson.

Gumuho ang dapat ay big night ng Warriors sa draft.

Mabigat ang pasanin ni Curry, sama na si Draymond Green.

Masusubok ang liderato nina Curry at Green sa kampanya ng Golden State sa susunod, lalo sa tangkang bawiin ang trono sa Lakers.

Paano na ang pick-and-rolls ni Curry?

Change strategy si coach Steve Kerr,

Matapos makumpirma sa MRI ang injury ni Klay, gumalaw raw ang Golden State para makuha si Kelly Oubre Jr. mula Thunder. Dalawang wings na mainam sa back-door cuts sina Oubre at Andrew Wiggins. Mabilisan ding hahasain si James Wiseman, ang 7-foot-1 center na No. 2 pick ng Warriors. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.