Abante Tonite Interactive

Curry kakasa sa GSW kahit wala sina KD, Klay

549

Tatlong players na lang sa kasaysayan ng PBA ang may mas maraming playoff triple-doubles kaysa kay Golden State enforcer Draymond Green – sina Magic Johnson (30), LeBron James (23) at Jason Kidd (11).

Ipinoste ni Green ang kanyang 10th career postseason triple-double at pang-anim sa natapos na playoffs sa season-ending loss ng Warriors sa Game 6 ng NBA Finals.

‘Di naisalba ng 11 points, 19 rebounds at 13 assists ni Green ang Warriors sa 114-110 loss sa Toronto Raptors Huwebes ng gabi.

Ang misyon ng Golden State ay lumabas ng Oracle Arena na nagdiriwang sa hu­ling pagkakataon para dumayo ng Toronto sa Game 7. ‘Di nangyari ‘yun, at pagkatapos ng laro ay gumapang si Green at natabunan ng mga taong bumabati sa Raptors.

Natapos ang season ni Green na wala ang pangatlong sunod na ring, posibleng tapos na rin ang dynasty ng Warriors.

Sa apat na pinakamaangas na Warriors, may posibilidad na dalawa na lang ang maglalaro sa susunod na season.

Tignan.

Inabot ng ruptured Achilles si Kevin Durant sa Game 5 at sa tindi ng injury, malamang nakaupo na sa buong 2019-20 season. Nagkaroon din ng torn ACL si Klay Thompson sa Game 6, malamang tengga na rin. Parehong unres­tricted agents na ang dalawa sa July, wala ngang kasiguruhan kung Warriors pa sila sa susunod.

Sina Stephen Curry at Green na lang ang maiiwan na nakakontrata pa sa susunod na season. Kahit dadalawa na lang sila, ayaw pang isuko ni Green ang Warriors.

“I think everybody thinks it’s kind of the end of us, but that’s just not smart. We’re not done yet,” giit niya. (VE)