Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry nagpaulan ng 10 3-pt shot

0 40

Nagpaulan ng tres si Stephen Curry at naligtasan ng Golden State Warriors ang see-saw game kontra Orlando Magic 111-105 sa 75th NBA regular season game Huwebes ng gabi sa Chase Center sa San Francisco.

Sampung long-range bombs ang pinakawalan ni Curry tungo sa 40 points, may 8 rebounds at 5 assists pa sa loob ng 37 minutes para dalhin ang team niya sa 14-12 win-loss record, tinabig ang kalaban sa 9-17.

Nahulog ang pang-10 ni Curry mula sa pang-10 ding assist ni Draymond Green na naglayo sa Warriors 100-91, 4 minutes pa sa laro.

Tumapos si Green ng 11 assists na sinahugan ng 8 points at 6 rebounds. May 21 points, 7 boards pa si Andrew Wiggins at double-double na 17 points, 11 rebounds si Kelly Oubre Jr. sa Golden State.

Inilaban ng 25 points, 13 rebounds ni Nikola Vucevic ang Orlando.

Nilista ni Curry ang kalahati sa 3-point bombs ng Warriors, pangalawa ngayong season at pang-17 sa kanyang career na may 10 3s sa isang laro – pinakamarami sa league history. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.