Abante Tonite Interactive

Curry No. 3 na sa NBA 3-point list

223

Muling gumawa ng kasaysayan ang two-time NBA MVP na si Stephen Curry.

Sa kanyang kinonektang magkadikit na tres sa kanilang laban kontra Chicago Bulls, naungusan na nito si Jason Terry para itarak ang pangalan sa ikatlong puwesto sa NBA three-points made list.

Sa ika-siyam na minuto, 59 segundo ng laro sa third quarter kinuha ni Curry ang makasaysa­yang tres na nagpahiyaw sa 19,500 fan sa loob ng Oracle Arena.
2,283 threes na ang naipukol ni Curry sa kanyang karera, at posible pang maungusan ang ilang legend sa rainbow country.

Dalawang tao na lamang ang natitirang kaila­ngang lampasan ni Curry – sina Reggie Miller na may 2,560 at Ray Allen na may 2,973.

“It is a special accomplishment in terms of two guys I know who are trendsetters and did it for many many years,” saad ni Curry.

“They are people I looked up to. Obviously I want to catch them. I respect what guys have done before,” dagdag pa niya. (Ray Mark Patriarca)