Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry pasabog kontra Lakers

0 55

SA unang pagkakataon ay sabay naglaro sina LeBron James at Russell Westbrook, pero iipinahinga naman ng Lakers si Anthony Davis.

Mas kumpleto na ang Los Angeles pero naisahan ng Golden State Warriors 121-114 sa preseason matchup sa Chase Center na preview ng kanilang season-opener sa Oct. 20 (araw sa Manila).

Sinagad pa sa 42 minutes si James, nagsumite ng 9 points, 3 rebounds at 2 assists. May 2 markers, 7 boards at 4 dimes lang si Westbrook sa Lakers debut.

Sa kabila, pasabog si Stephen Curry ng 30 points na dinagdagan ni Jordan Poole ng 28.

Nagsalansan ng 70 points mula second quarter patawid ng third ang Warriors para dumistansiya bago sinalag ang late rally ng Lakers.

Ang mga bagong big men na sina Dwight Howard at Deandre Jordan ang namuno sa LA.

Nambarako si Howard ng 23 points at 12 rebounds sa loob lang ng 10 minutes, may 11 at 8 si Jordan bilang starting center ni coach Frank Vogel. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.