Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry paulan ng pitong tres

0 247

Matapos mangamote ang Golden State Warriors sa 1st quarter kontra Portland, nagpasabog naman sila ng 38 points sa 2nd quarter upang baliktarin ang laro at talunin ang Trail Bazers, 119-97, nitong Biyernes ng gabi [Sabado, Manila time].

Nangibabaw ang star player ng GSW na si Stephen Curry matapos magpaputok ng 41 points at 9 rebounds.

Ang 35 puntos ni Curry ay nakuha lamang niya sa loob ng tatlong quarter, sa kabuuan, nagsalpak si Curry ng pitong tres sa 14 na tira.

Nabitin ang paandar na 26 markers at 4 dimes ni CJ McCollum ng Portland na may 0-4 kartada.

Dahil sa nakuhang panalo ay tumapos sila ng 5-0 sa preseason ng NBA.

Nakatakda nilang simulan ang kanilang kampanya sa regular season ngayong Oktubre 19 kontra Los Angeles Lakers. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.