Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry petiks sa GSW

0 133

Hindi na kinailangang kumayod ni Stephen Curry, si rookie James Wiseman ang nagpasiklab para akayin ang Golden State sa 123-111 panalo kontra Minnesota sa 2020-21 NBA regular season game sa Chase Center sa San Francisco Miyerkoles ng gabi.

Nagtistis si center Wiseman, No. 2 pick noong nakaraang draft, ng career-high 25 points at 6 rebounds off the bench para iakyat ang GSW sa 10-8 win-loss record at sinalya ang kalaban sa 4-13.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinapatan siya ng top pick overall na si Anthony Edwards ng 25 points mula limang 3s para sa Timberwolves.

All-around na 16 points, 6 rebounds at 8 assists pa rin ang pinakawalan ni Curry sa loob ng 33 minutes. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.