Curry pinantayan rekord ni Jordan

Kumaripas sa middle quarters ang Golden State para tambakan ang Cleveland 129-98 sa 75th NBA regular season game sa Chase Center sa San Francisco Lunes ng gabi.
Mula second period patawid ng third, nagsalandan ng 67 points ang Warriors para ihulma ang 101-84 lead papasok ng fourth at sumampa sa 15-13 win-loss record, sinalya ang biktima sa 10-19.
Nagliyab sa labas ng arc sa 17 for 37 ang Warriors, diyeta sa 8 for 30 ang Cavaliers. Sampung tira ang binura ng Golden State, halos doble rin ang bentahe sa assists 34-19.
Tumabo si Stephen Curry ng 36 points. Siya ang unang guard na nakapagsumite ng 25 points o higit pa mula 50 percent field goal shooting sa 10 sunod na laro pagkatapos ni Michael Jordan noong 1995-96.
Pumasok sa break si Curry na may 24 points na mula 9 of 12 shooting at 5 for 7 sa 3s.
Namigay ng 16 assists si Draymond Green at may 8 rebounds pa sa Golden State.
Pinamunuan ng 23 points ni Sexton ang Cleveland. (Vladi Eduarte)