Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry nagrelaks

0 274

Nagme-maintenance si Stephen Curry, ayon kay coach Steve Kerr.

Slow down ang player isang araw matapos magpasabog ng career-high 62 points sa 75th NBA 2020-21 regular season game.

Pero maangas pa ring 30 points, 9 rebounds at 8 assists ang dineliver niya nang ihatid ang Golden State sa 137-106 win laban sa Sacramento nitong Lunes.

Mula sa 7 of 11 shooting at 4 for 7 sa 3s, may 23 markers na si Curry sa break – mababa ng siyam sa total niya sa first 24 minutes noong Linggo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.