Abante Tonite Interactive

Curry, Thompson hindi isusuko ang titulo

0 440

Ayaw pang isuko ng Golden State Warriors ang NBA title na dalawang taon na nilang hawak.

Pero ang katotoha­nan, posibleng magkaroon na ng bagong champion ang NBA ngayong araw, tatangkain ng Toronto Raptors na tapusin ang Warriors sa Game 5 ng title series.

Abante ang Raptors 3-1, umuwi ng Toronto bitbit ang dalawang double-digit wins sa Oracle Arena.

‘Di basta titiklop ang Warriors.

“It’s just a matter of, ‘Can you win one basketball game right now? Can you go play an amazing 48 minutes, quiet this crowd that’s going to be probably unbelievable, and slow down a team that’s been playing ama­zing, especially these last two games, and just win one basketball game?’” punto ni Golden State guard Stephen Curry. “If we focus on that mission, our history kind of speaks for itself in terms of being able to get that done.”

Kapag nanalo ang Golden State, Game 6 sa Biyernes (araw sa Manila) sa Oracle Arena – sa pinakahuling pagkaka­taon ay magiging home floor nila. Sa susunod na season, sa Chase Center sa San Francisco na ang tahanan ng Warriors.

Ipagdidiinan ni Klay Thompson na magkaroon pa ng isang laro sa Oracle.
Kapag natalo, tapos ang era at run ng Oracle.

“You wish to have no end in sight, but everything that’s great always comes to an end,” ani Thompson. “So whether that’s (Game 5) or four years from now, you never know. That’s the beauty of life.” (VE)