Abante Tonite Interactive

Curry tinupad ang hiling ng 9-year old girl baller

By
280

Kamakailan ay sumulat – sulat-kamay – si Riley Morrison, 9 na taong gulang na batang babae, kay Golden State star Stephen Curry hinggil sa problema niya sa pag-order ng Under Armour signature shoes ng three-time NBA champion.

“I asked my dad to buy me the new Curry 5’s, because I’m starting a new basketball season,” anang sulat ni Riley.

“My dad and I visited the Under Armour website and were disappointed to see that there were no Curry 5’s for sale under the girls section. However, they did have them for sale under the boys section, even to customize.”

Hiniling ng bata kay Curry na gawan ng paraan ang problema niya dahil “girls want to rock the Curry 5’s too.”

Nakarating kay Curry ang sulat, Huwebes ay sinagot niya ito – sulat-kamay din.

“I appreciate your concern and have spent the last 2 days talking to Under Armour about how we can fix the issue. Unfortunately, we have labeled smaller sizes as ‘boys’ on the website. We are correcting this now!” aniya.

Papadalhan din ni Curry si Riley ng Curry 5’s, at nangakong isa ang bata sa first kids na tatanggap ng kanyang Curry 6 paglabas.

Naging viral agad ang tweet ni Curry ng kanyang sulat.

Sa pang-11 sunod na laro, hindi pa rin sumalang si Curry (strained left groin) sa 131-128 loss ng Warriors sa Toronto nitong Huwebes din.

Inaasahang makakabalik ang superstar sa Detroit bukas.