Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry tumalab tip kay Poole

0 61

Bago hinarap ang Trail Blazers sa Moda Center sa Portland Martes, kumuha muna ng tip si Jordan Poole kay Stephen Curry.

Gustong alamin ng bagong guard ang sikreto ng pre-game routine ng Golden State star sa mga laro.

Epektib.

Umiskor si Poole ng 30 points mula 7 for 12 shooting sa downtown, may 5 rebounds at 5 assists pa para ihatid ang Warriors sa 121-107 win.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa first 3 minutes lang ng laro, nagbaon agad ang third-year guard ng back-to-back 3s sa magkasunod na posesyon 19 seconds lang ang pagitan.

Tatlong players ni coach Steve Kerr pa ang umiskor ng double digits. Solidong 19 pts. ang ambag ni Otto Porter, may tig-13 sina Curry at Andrew Wiggins.

Bago makabalik si Klay Thompson sa December, maghahanap muna si Kerr ng starting guard sa tabi ni Curry.

Leave A Reply

Your email address will not be published.