Abante Tonite Interactive

Curry walang dating sa mga bagito

355

Mula sa mga court na kinabit lang sa mga poste sa bawat kanto hanggang sa mga air-conditioned arena, bukambibig ang pangalan ni Steph Curry.

Ang two-time MVP ng Golden State Warriors na marahil ang pinaka-kilalang basketball player sa kasalukuyan, maliban kay LeBron James.

Bawat batang nagsisimulang maglaro, ginagaya ang laro ni Curry.

Pero ang 2019 batch ng NBA rookies, mukhang sa iba nakapaling ang atensiyon.

Sa pang-11 pagkakataon, nag-survey ang NBA.com sa rookies at isa sa mga tanong ay kung sino ang paborito nilang player.

Wala, as in zero, ang pumili kay Curry.

Ang mga pinili, mula sa Yahoo Sports NBA:

LeBron James (38%), Kevin Durant (20%), Kawhi Leonard (8%), Damian Lillard (8%), Devin Booker (5%), James Harden (5%), Steph Curry (0%).

Isa pang nakakaintriga, nakakuha ng boto sina Steve Nash at Kevin Garnett.

Itinuturing ang dalawa bilang all-time greats, pero ang problema ay pareho na silang ‘di naglalaro – nag-retire si Nash noong 2015, si Garnett noong 2016. (VE)