Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry, Warriors aabante pa

0 63

Krusyal ang supporting cast sa duelo ng Golden State at Memphis sa 76th NBA 2021-22 West semis.

Hindi lang ang showdown nina Ja Morant ng Grizzlies at Stephen Curry ng Warriors ang magdadala sa series.

Tulad noong Game 1, si Klay Thompson ang nagbaon ng winning 3 bago binulabog ang final layup ni Morant at naitakas ng Golden State ang 117-116 win.

SM food to go Banner Ad

Game 2 ng series ngayong araw sa Memphis din.

May nakuha pang career-high 31 points na ayuda mula kay Jordan Poole ang Warriors, tumapos si Curry ng 24, 17 kay Andrew Wiggins at 15 si Thompson sa opener.

Sa kabila, si Jaren Jackson ang bumakas ng 33, dalawa pa ang may 14 at 12 kaya nadesisyunan sa final possession ang resulta.

Na-outscore ng Golden State bench ang counterparts 47-30 sa pangunguna ni Poole na may 8 rebounds at 9 assists pa. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.