Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry, Warriors gigilitan Mavs

0 59

Hindi nakumpleto ng Golden State ang sweep sa Dallas noong Game 4, babalik ng Chase Center sa San Francisco ang Warriors para subukang isara na ang West finals.

Game 5 ngayong Biyernes, pipilitin ng Golden State na makabalik sa NBA Finals sa pang-anim na pagkakataon sa huling walong taon.

Sa first round at semis, hindi rin naisara ng Warriors ang series sa road pero nasipa pa rin ang Nuggets at Grizzlies.

Noong Martes, maagang nag-init si Luka Doncic at Mavericks para kubrahin ang unang panalo 119-109.

“You tip your hat to them because they made a lot of shots,” ani Stephen Curry na naka-20 points noong huli. “We had a couple breakdowns in our zone that gave them easy looks, and they made us pay.”

Tumabo ng 30 points, 14 rebounds si Doncic sa panalo, higit sa lahat ay nagising ang kanyang mga teammate.

May 23 points si Dorian Finney Smith, 18 kay Reggie Bullock lahat mula sa 3s. Para muling makaiwas sa elimination, kailangang gumanang muli ang support cast. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.