Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry, Warriors nirapido Clippers

0 58

Naiwan mula sa opening tip ang Golden State, nakahabol nang pangunahan ni Stephen Curry ang harabas sa second half at niresbakan ng Warriors si Kawhi Leonard at ang Clippers 115-105 Biyernes ng gabi sa Chase Center.

Naiganti ng Warriors ang 108-101 loss noong Miyerkoles.

Nasa unahan ang Los Angeles 30-22 pagkatapos ng first at 65-51 sa break, nagsimulang kainin ng Golden State ang lead para ibaba 87-81 papasok ng fourth.

Pinangunahan ng 38 points, 11 assists ni Curry ang atake ng Warriors, nagawang manalo kahit dalawa na lang ang nakapagsumite ng double digits.

Related Posts

Umiskor si Andrew Wiggins ng 16, may 12 si Eric Paschall off the bench.

Parehong kumonekta ng 40 shots ang magkatunggali, nagkatalo sa long distance.

Nagliyab ng 20 for 41 sa labas ng 3-point arc ang Golden State kumpara sa 14 for 31 ng LA.

Nakaungos pa ang Warriors sa steals 13-6 at points in the paint 40-36.

Nagsumite ng 25 points, 7 assists si Paul George, may 24 markers si Leonard sa Clippers na na-outgun sa final 12 minutes 34-18. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.