Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry, Warriors pinulbos Thunder

0 189

Tuloy ang gapang ng Golden State paakyat sa 75th NBA Western Conference standings.

No. 8 na ang Warriors (33-35) pagkatapos ng dambuhalang 136-97 panalo kontra Oklahoma City Thunder nitong Sabado sa San Francisco.

Tumabo si Stephen Curry ng 49 points, umayuda ng 18 points si Andrew Wiggins at tumapos si Andre Iguodala ng 15 points, 5 rebounds at 13 assists para sa hosts.

Nasa unahan ng Golden State ang defending champion Lakers (37-30).

SM food to go Banner Ad

Pagkatapos ng 72-game season, dadaan sa play-in ang Nos. 7-10 para pag-agawan ang huling dalawang silya sa playoffs.

Naka-29 minutes lang sa loob si Curry pero pinantayan ang kanyang season-best 11 3-pointers. Mula sa field ay 14 of 26 overall ang two-time MVP, bumitaw ng 21 sa labas ng arc.

Panlima sa huling 15 games at pampito sa kabuuan ngayong season na nagtuhog si Curry ng 10 o higit pang 3s sa isang laro, binasag ang sarili niyang record na anim noong 2018-19.

Giniyahan ng 17 points ni Sviatoslav Mykhailiuk ang Thunder, bumagsak sa 21-47. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.