Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry, Warriors pumulas vs Jazz

0 154

Tinodo ng Golden State ang natitirang lakas sa final 6 minutes at naligtasan ng Warriors ang back-and-forth game 123-116 laban sa binisitang Utah Jazz sa 2021-22 NBA regular season game Sabado ng gabi sa Vivint Smart Arena sa Salt Lake City.

Nagkamada ng 28 points, 9 assists si Stephen Curry para pamunuan ang atake ng Warriors (28-7).

Umayuda ng 25 pts. si Andrew Wiggins. Naka-12 pts. lang si Andre Iguodala pero sa kanya ang 3-pointer sa dulo na nagselyo sa panalo. May sahog pa siyang 7 rebounds at 8 ats.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pumasok ng break ang Warriors bitbit ang 64-50 lead, nagpasabog ng 41 points sa third quarter ang Jazz (26-10) para agawin ang trangko 91-86 papasok ng fourth.

Umiskor sa pitong sunod na posesyon sa final period ang Golden State para bawiin ang lead 111-106 bago sinalag ang tangkang balik ng hosts.

Nagtistis ng tig-20 points sina Rudy Gobert, Donovan Mitchell, Bojan Bogdanovic at Jordan Clarkson pero natuyuan sila sa dulo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.