Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curry, Warriors silat sa Pacers

0 124

Sa likod ng 27 points ni Chris Duarte, sinorpresa ng Indiana Pacers ang dinayong Golden State Warriors via overtime 121-117 sa 76th National basketball Association 2021-22 regular season game Huwebes ng gabi sa Chase Center sa San Francisco.

Mula sa field ay 10 of 16 si Duarte, may 7 rebounds at 3 assists pa para ikapit ang kampo niya sa Eastern Conference 13th spot sa 17-27 haltakin ang biktima sa 32-13, ‘di natinag sa Western second place.

Wala si leading scorer Domantas Sabonis, umayuda ng 16 points si Justin Holiday kabilang ang 3-pointer sa final seconds ng regulation nang ibuhol ng Pacers ang iskor 110-110.

Inabot ng left ankle sprain si Sabonis sa dulo ng 111-104 win sa Lakers noong Miyerkoles.

Tumabo ng 39 points at 8 assists si Stephen Curry pero 0 for 7 sa 3s si Klay Thompson tungo sa 12 points. Tumipa ng 13 points at 15 rebounds si Kevon Looney. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.