Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Curve ng COVID sa Taguig na-flatten na

0 89

Na-flaten na ang positive case ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Taguig City matapos ang tatlong Linggong implimentasyon ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila base sa anunsyo ng pamunuang panglungsod nitong Martes.

Ito ang ibinigay na kasiguraduhan ni Taguig City Mayor Lito Cayetano kahapon matapos ang pagbisita ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) -Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) sa Lakeshore Hotel Mega-Quarantine Facility nitong Martes.

Sa nasabi ding lugar ay nag-turnover ang CODE Team sa local government unit (LGU) ng Taguig ng mga face mask para sa programang ‘Mask para sa Masa”.

“The Taguig leadership has ensured adherence to the test-trace-treat approach, beefing up our capabilities on all fronts. We have acted with urgency and innovated to cope with the challenges,” pahayag ng alkalde.

“Finally, we designed our Covid-19 response considering the participation of all levels of government, our communities and even the private sector,” dagdag pa nito.

Ibinida din nitong isa ang nasabing siyudad sa may pinakamababang bilang ng active cases kung saan mula sa 100,000 residente ay 37 na lamang ang nagpopositibo sa virus.

Dagdag pa ng alkalde, bunga ito ng agresibong hakbang ng LGU mula sa testing at ipinatupad na innovation gaya ng pagtatalaga ng bicycle lanes.

Base sa datos ng Taguig LGU ay napagtagumpayan na ng lungsod ang epektibong response laban sa nakamamatay na sakit na COVID-19. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.