Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cusi binakbakan sa P2 taas-presyo ng petrolyo

0 89

Muling binanatan ni House Deputy Speaker at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi sa nakaambang taas-presyo sa petrolyo na aabot ng P2 kada litro.

Iginiit kasi ni Zarate ang panukala na magkaroon ng centralized procurement system sa mga produktong petrolyo para na rin sa proteksiyon ng mga konsyumer.

Kinalampag ni Zarate ang Kamara kaugnay sa inihain nilang House Bill No. 4712 para gawing centralized procurement system ang imported crude oil at refined petroleum products.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Layon din umano nito na magkaroon ng `buffer supply’ para mapagaan ang hirap na papasanin ng mga konsyumer laban sa mga biglaang taas-presyo ng petrolyo.

Sinabi ni Zarate na dapat ang mga ganitong panukala ang inaasikaso ni Energy Secretary Alfonso Cusi at hindi ang politika.

“Mas maganda sana kung ito ang itinutulak ni Department of Energy Sec. Alfonso Cusi para matulungan ang mamamayan at hindi palaging politika ang ang inaatupag,” sabi ni Zarate. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.