Abante Tonite Interactive

Cusi, Clement lusot sa CA

153

Kinumpirma ng bicameral Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment nina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Noel Clement at Navy Vice Admiral Allan Cusi.

Walang miyembro ng CA ang nagpahayag ng pagtutol sa appointment ng dalawang opisyal ng sandatahang lakas sa pagdinig ng CA National Defense Committee.
Itinalaga si Clement bilang AFP chief noong Setyembre at nakatakda itong magretiro sa Enero 5, 2020.

Si Cusi ay itinalagang pinuno ng Philippine Mi­litary Academy (PMA) noong Setyembre matapos magbitiw ang ilang opisyal ng naturang military school kasunod ng pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio dahil sa hazing. (Dindo Ma­tining)