Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cusi hugas-kamay na promotor ng Digong for VP

0 251

Tinanggi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na siya ang pasimuno ng pagpapatakbo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkabise presidente para sa 2022 election.

Ayon kay Cusi, nanawagan siya sa mga opisyal at miyembro ng PDP-Laban na isantabi muna ang usapin ng eleksyon at suportahan ang National Deployment and Vaccination Plan ng Duterte administration.

Si Cusi ang vice chairman ng PDP-Laban habang presidente nito si Senador Manny Pacquiao na una nang kinastigo ang ginawa umano ng kalihim.

Bago ito, nagsagawa umano ng mga consultative meeting sa Maynila, Cebu at Davao upang bumalangkas ng mensahe ng pagsuporta.

SM food to go Banner Ad

Sa isinagawang open forum ng pagpupulong sa Maynila mayroon umanong nagtanong kaugnay ng 2022 election at dito nabuo ang panawagan na patakbuhin si Duterte sa VP race.

“It was the participants gathering together and agreed to executive and sign a resolution to support President Duterte as PDP-Laban’s Vice Presidential candidate in 2022,” ani Cusi sa isang pahayag.

Ang isinalang-alang umano ng marami ay ang kahalagahan na maipagpatuloy ang mga programa ng administrasyon.

Iginiit din ni Cusi na isa lamang siya sa maraming kasapi ng partido at ang desisyon ng nakakarami ang mangingibabaw. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.