Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cusi keber sa taas-presyo ng petrolyo

0 56

Masyado umanong naging abala si Energy Secretary Alfonso Cusi sa paghahanap ng standard-bearer o benchwarmer ng kanilang partido habang patuloy sa pagtaas ang presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Bayan Muna chairperson Neri Colmenares, parang nakalimutan na ni Cusi na ang kanyang trabaho ay tiyakin na mababa ang presyo ng produktong petrolyo at kuryente.

Ayon sa mga ulat, tataas ng P1.40 hanggang P1.50 kada litro ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene ngayong linggo. Ang presyo ng diesel na ginagamit ng mga pampublikong sasakyan ay halos P50 kada litro na.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“As many Filipinos lose jobs due to the pandemic, and with others just about to try and recover from the recession, the Department of Energy should be at the forefront in ensuring that utility rates are at an affordable rate,” dagdag pa ni Colmenares.

“Iyong sinasabi nila mas masaya ang magiging Pasko this year, hindi yata magkakatotoo dahil mababaon naman sa bayarin ang mga Pilipino,” wika pa ng dating kongresista.

Si Cusi ang namumuno sa isang paksyon ng PDP-Laban na nagpatakbo ng mga kandidato para sa 2022 elections. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.