Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cusi pinalalayas ng mga konsyumer sa DOE

0 37

Binanatan ng electricity consumer group na Power for People Coalition (P4P) si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi na masyado umanong abala sa politika kesa sa trabaho niya sa kagawaran.

Ani P4P convenor Gerry Arances, sa sobrang abala ni Cusi ay napapabayaan na ang mahahalagang usapin tungkol sa kuryente.

“Tila baga siya ay napaka-busy ngayon sa pampulitikang usapin na naiiwan `yong mga mahahalagang usapin sa power industry,” pahayag ni Arances sa isang virtual power consumers assembly na ginanap nitong Lunes.

SM food to go Banner Ad

Dagdag ni Arances, mas mainam na bitawan na lamang ni Cusi ang DOE kung patuloy nitong babalewalain ang kanyang pagiging energy secretary.

Bukod sa taas-singil sa kuryente, hindi rin aniya pinarusahan ng DOE at Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga coal-fired power plant na hindi nakapag-supply ng kuryente na obligasyon ng mga ito.

“Kung ganito na ang problema natin ngayon sa supply at hindi nareresolba ng DOE under their nose… baka hindi lang po ito `yong maranasan natin na pagtaas ng presyo ng kuryente,” giit pa ni Arances. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.